Bagong halal at muling nahalal na mga Municipal Officials ng bayan ng Tboli, pormal nang nanumpa sa kani-kanilang tungkulin

Naging matagumpay ang katatapos lang na Oath Taking Ceremony ng mga Re-elected & Newly Elected Municipal Officials ng bayan ng Tboli, na ginanap sa Barangay Gymnasium ng Laconon, Tboli, South Cotabato, kahapon nang umaga, Hunyo 10, 2025.

Kabilang sa mga nanumpa sa kanilang katungkulan ang muling nahalal na alkalde, HON. KEO DAYLE T. TUAN, re-elected Vice Mayor, Hon. Ronie L. Dela Peña, SB Members HON. KIRK T. TUAN, Hon. Pacifico Cordada Jr., Hon. Glen Maquilan, Hon. Valerio Fado, Hon. Falin Q. Kuta at Hon. Elsa Kayawan.

Ang panunumpa ay sinaksihan ng libu-libong residente ng nasabing barangay at mga Barangay Officials mula sa iba’t ibang barangay na sakop ng bayan, LGU Tboli Department, Unit at Office Heads, at mga empleyado.

Naging Guest Speaker ng nasabing aktibidad si bagong inihalal na South Cotabato 3rd District Representative, HON. CONG. DATU DIBU S. TUAN, na nagpahayag din ng kanyang magandang plano na hindi lamang sa nasabing barangay kundi sa buong 3rd District ng Lalawigan ng South Cotabato.

Samantala, sa mensahe ni Mayor Keo ay kaniyang pinasalamatan ang mga tagasuporta na muli silang nailuklok sa kanilang puwesto.

Ipinangako din nito ang tapat at makataong paglilingkod para sa ikauunlad ng buong bayan at kasama na rito ang panawagan na patuloy na magkaisa at suportahan ang layunin ng kaniyang admistrasyon. (Milchard A. Bing, MIO News Team).