Tinanggap ng LGU-TBOLI sa ngalan nina SB Committee Chair on Tourism, Hon. Councilor Kirk T. Tuan at Senior Tourism Officer, Rodel Hilado, ang Plaque of Recognition kasabay ng isinagawang SOX Tourism Officers Consultation Meeting na ginanap sa Greenstate Suites, Koronadal City, kahapon February 1, 2023.

Iginawad ang naturang Plaque of Recognition bilang pagkilala sa pagkakapili nito bilang BEST TOURISM-ORIENTED LGU (Municipality Level) sa ginanap na 23rd ATOP National Convention: Pearl Awards noong Oktubre 27, 2022 sa Tagaytay City, Province of Cavite.

Ang isinagawang SOX Tourism Officers Consultation Meeting ay pinamunuan ni DOT-XII Regional Director, Nelia R. Arina, na naglalayong talakayin ang mga PPAs ng rehiyon para sa FY 2023 at ang mga paparating na mga aktibidad at mga kaganapan para sa 1st Semester ng taon.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga isyu at alalahanin na ibinahagi ng mga Tourism Officers at ng mga kinatawan na nagbahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan, resolusyon o rekomendasyon upang matugunan ang mga itinaas na isyu/alalahanin ng bawat Tourism Officer. (Milchard A.Bing, MIO News Team)