Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Tboli sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-127 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, kung saan mahigit isang daang mga empleyado nito kasama ang Tboli Municipal Police Station, Tboli Bureau of Fire Protection at iba pang mga ahensya, ang dumalo sa programa na isinagawa ngayong araw, Hunyo 12, 2025, upang gunitain ang araw na ito.

Ayon kay MLGOO Joel S. Molo, na ang tema ngayong taon na, “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”, ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-alala sa makasaysayang paglalakbay ng bansa habang hinuhubog ang isang progresibo at malayang kinabukasan.

Binasa naman ni PLTCOL Richard Buletic ang maikling kasaysayan ng pagkamit ng Philippine Independence at ang proklamasyon ng Araw ng Kalayaan. Ito ay ang pagkilalan ng mga tao, oras, lugar at mga kaganapan na nag-ambag sa pagsasakatuparan ng soberanya ng bansa, na nagpapahintulot sa atin na ipagdiwang ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Sinabi naman ni Municipal Vice Mayor, Hon. Ronie L. Dela Peña, na ang LGU-Tboli kasama si Municipal Mayor, HON. KEO DAYLE T. TUAN, ay aktibong lumahok sa lokal na programa, na nagbibigay-pugay sa mayamang pamana ng bansa at pinagtitibay ang pangako nito na magbigay ng mabisa, maayos at dekalidad na serbisyo para sa mamamayan ng Tboli. (Johnary G. Orella, MIO News Team)