Matapos ang matinding preparasyon at pag-aaral ng Technical Working Group sa pagbuo ng Zoning Ordinance ng LGU-Tboli ay tuluyan na rin itong umabot sa lebel ng Sangguniang Bayan ng Tboli.

Kahapon, Hunyo 4, 2025, ay isinailalim na ang nasabing ordinansa sa isang Public Hearing na isinagawa sa OMAg Training Center, Tboli, South Cotabato, sa pangunguna ng SB-Tboli at Municipal Vice Mayor, Hon. Ronie L. Dela Peña.

Ito ay isang proseso upang bigyan ng pagkakataon ang mga potensyal na apektadong tao na mag-alok ng patotoo bilang pagsuporta o pagsalungat sa isinusulong na panukala. Ang mga resultang opinyon at ebidensyang isinumite ay lumikha ng bahagi ng talaan kung saan ang mga gumagawa ng desisyon ay dapat magbatay sa kanilang mga desisyon.

Matatandaan na ang Zoning Ordinance ay masusing pinag-planuhan at pinag-aralan ng binuong Technical Working Group, sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) na pinamumunuan ni MPDC, Rogen E. Guardaya.

Ito rin ay dumaan sa pagsusuri ng Provincial Land Use Committee (PLUC) at dinepensahan ng mga miyembro ng TWG kasama sina Municipal Councilor, Hon. Swain A. De Groot at Hon. Gading Kamblan.

Ang Zoning Ordinance ay dati ng na-adopt ng SB-Tboli noong 2021 at ni-revise ito basi sa rekomendasyon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ayon sa MPDO-Tboli, ang Zoning Ordinance na ito ay isang legal na instrumento sa pagpapatupad ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP).

Matatandaan rin, na ang Comprehensive Land Use Plan, kasama ang mga bahaging aklat nito na binubuo ng 1. CLUP Mainbook; 2. Ecosystem Analysis, Special Areas and Sectoral Studies; 3. Climate and Disaster Disk Assessment (CDRA); at 4. Zoning Ordinance, ay naaprubahan ng Provincial Land Use Committee noon pang September 5, 2024. (Johnary G. Orella, MIO News Team/Photos by SB-Tboli)