Nakiisa kaninang umaga, Hunyo 5, 2025, ang KEO CARES sa pormal na pagbubukas ng 15th Foundation Anniversary & 9th Kasbung Festival ng Municipal Government Operation Center (MGOC) sa Sitio Tablogan, Barangay Aflek, Tboli, South Cotabato, upang maghatid ng mga libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Tboli.

Hatid ng programa ang iba’t ibang libreng serbisyo na pinangunahan ni Tboli Municipal Mayor, HON. KEO DAYLE T. TUAN, kasama ang mga kawani ng iba’t ibang ahensya.

Nasa halos isang daang mga residente ang nahandugan libreng Medical at Dental Check-up, mga gamot at bitamina. May 55 kabataang lalaki rin ang natuli na handog ng RHU-Tboli.

Walong individual din ang naka-avail ng libreng Live Birth Registration ng LCRO.

Kasabay din ang pamamahagi ng OMAg ng 350 mga binhi ng gulay, 10 sacks ng binhi ng puting mais, 5 sacks Abono, 2 pala, bitamina para sa mga alagang hayop at pesticides para sa ilang mga magsasaka.

Nasa 500 na tasa ng Chicken Arroz Caldo ang naipakain sa mga kabataan at mga residente na hatid ng MNAO.

Kabilang din sa mga serbisyo ang libreng gupit ng buhok sa 74 na indibidwal na handug ng Randy’s Barbershop at 60 ang nahandugan ng libreng manicure at pedicure.

Ang Kasbung Festival sa MGOC ay magtatapos sa June 9, 2025 na may tema na, “Stronger and Bolder Tboli, One Town, One Voice and One Kasbung”. (Milchard A. Bing, MIO News Team)