Dumalo ang bayan ng Tboli sa isinagawang Ease of Doing Business (EODB) & Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) Forum na ginanap kahapon, Hulyo 7, 2025, sa Kolon Datal, Tampakan, South Cotabato.

Sa naturang forum ay tinalakay ang pagpapalakas at kahalagahan ng maayos na pagpapatupad ng eBOSS System. Layon din nitong matugunan ang mga umiiral na isyu/alalahanin at magbigay ng gabay para sa mabisa at mahusay na pagpapatupad ng RA 11032, πΈπ‘Žπ‘ π‘’ π‘œπ‘“ π·π‘œπ‘–π‘›π‘” 𝐡𝑒𝑠𝑖𝑛𝑒𝑠𝑠 (𝐸𝑂𝐷𝐡) π‘Žπ‘›π‘‘ 𝐸𝑓𝑓𝑖𝑐𝑖𝑒𝑛𝑑 πΊπ‘œπ‘£π‘’π‘Ÿπ‘›π‘šπ‘’π‘›π‘‘ π‘†π‘’π‘Ÿπ‘£π‘–π‘π‘’ π·π‘’π‘™π‘–π‘£π‘’π‘Ÿπ‘¦ 𝐴𝑐𝑑 π‘œπ‘“ 2018, at ng kaukulang Joint Memorandum Circular(JMC) No. 2021-01 na inisyu ng ARTA, DTI, DILG at DICT sa bawat LGU sa lalawigan ng South Cotabato.

Matatandaan, ang bayan ng Tboli ay kabilang sa mga LGU na una nang nagpatupad ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) System sa buong lalawigan ng South Cotabato.

Binigyang-diin na dapat nang i-adapt ang makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng pagsusulong ng digitalization at e-governance, dahil mas mapapabilis nito ang iba’t ibang pakikipag-transaksyon sa mga LGU.

Sa eBOSS System, mas magiging madali at mabilis ang proseso sa pagkuha ng Business Permits at iba pang dokumento sa pagnenegosyo dahil sa digitalization. Isa sa mga magiging epekto ng pagpapalawak sa eBOSS ay ang paglago ng ekonomiya dahil kung mas madaling makakuha ng mga dokumento, mas maraming entrepreneurs ang mahihikayat na mag-negosyo at sumunod sa requirements ng pamahalaan.

Masasabing “Fully Compliant” sa eBOSS System ang isang LGU kung mayroon itong Online System na tumatanggap ng Business Applications gamit ang Unified Application Form; nakakapag-isyu ito ng Electronic Tax Bill, Fire Safety Inspection Certificate Fee at Barangay Clearance Fee; nakakapagbigay ng electronic version ng permits; at tumatanggap ng online payment.

Maliban sa mga kinatawan mula sa bayan ng Tboli, sa pangununa ni Municipal Administrator, Atty. Aleanna Joy Gelido, dumalo din ang ibang mga opisyal at representative mula sa iba pang mga bayan na sakop ng lalawigan ng South Cotabato. (Milchard A. Bing, MIO News Team)